i'm on my 8th month now...
excited na akong makita si baby!
gusto ko na manganak! sa totoo lang gustung-gusto ko na makita ang bunga ng pagmamahalan namin ni angel. hehehehe... excited na akong isuot sa kanya 'yung mga damit na binili namin ng tatay nya. excited na rin akong ipagamit sa kanya 'yung iba pang baby things. at syempre, excited na akong ma-embrace siya at ma-kiss!!! mwaaah!!!
labor days...
nagle-labor na ba ako? ang sakit-sakit na ng tummy ko.. minsan naiiyak ako lalo pag nag-i-stretch si baby. sobrang sakit pala ng ganun! sasabayan pa ng pagco-contract... haay... sa gabi, hindi na ako nakakatulog nang dire-direcho kase nagigising ako lagi dahil nangangawit ako. paiba-iba tuloy ako ng position. minsan sa left, minsan sa right, at minsan nakahiga... pero ang bilis ko mangalay kaya ang tendency, nagigising talaga ako.
hassle bumiyahe!
ang hirap na palang bumiyahe pag malapit nang manganak. sana may car na kami. hehehe. ang sakit kase pag matagal nang naglalakad. imagine, pagdating ko ng victory mall sa monumento, lalakarin ko hanggang lrt station. at paruha ang pag-akyat sa stairs. pagbaba sa carriedo, tagtag naman ako sa pedicab. pero mas ok na 'yun kesa lakarin ko mula station papuntang sakayan ng san miguel. pagbaba ng jeep sa may gate 6 ng malacanang, mahabang lakarin na naman hanggang office! haay... no wonder bumaba agad ang baby ko...
baby shower!!!
ang saya-saya ng baby shower ko! nag-arrange ang officemates ko ng baby shower para kay baby. dami niyang "gives!" kung nakikita lang ni baby ang gifts sa kanya ng titos and titas niya, for sure matutuwa 'yun! thank you thank you talaga sa mga kaibigang nagmamahal!!! at least nadagdagan ang gamit ni baby. hehehe...
our baby's name...
ron peter mari narciso navarro =D
Wednesday, July 16, 2008
Monday, June 23, 2008
My celebrity sisters
Your Celebrity Sisters Are Jessica and Ashlee |
Beautiful, feminine, and stylish. Who care's if you're a bit of a daddy's girl? |
Sunday, May 25, 2008
friends friends friends
You Are a Good Friend Because You're Fun |
You are energetic, amusing, and always up for a good time. Optimistic and genuinely happy, you help people see the sunny side of life. And you're always up for a party... no matter how big or small. You're usually the first one to celebrate a friend's success. Anyone who's interesting or fun is welcome in you circle of friends. You're not the type of person to exclude or make fun of someone who's a little different. Your friends need you most when: They're down or depressed You really can't be friends with: Anyone who's stuck up or chronically unhappy Your friendship quote: "It is one of the blessings of old friends that you can afford to be stupid with them." |
Wednesday, May 7, 2008
i know him so well...
What You Know About Your Guy: Practically Everything |
You have gotten to know your man really well From his hopes and dreams to favorite things... You definitely have enough info to figure out if he's *the* guy In fact, you may know him a little better than you know yourself |
Thursday, April 24, 2008
Nasaan na ang 400 pesos ko?
continuation 'to ng sinulat ko kahapon...
after ko mag-enjoy sa pamimili ng school supplies sa national bookstore, direcho naman ako grocery para bumili ng mga kailangan namin sa bahay. basically, toiletries lang naman.
bumili ako ng shampoo na 12 sachets, conditioner na 12 sachets din, 150ml na feminine wash, 1 albatros na maliit, 20's na panty liner, saka small box ng anlene. ang daming tao at ang haba ng pila kaya naghanap pa ako ng medyo maigsi.
nung turn ko na sa counter, nagulat ako sa total price ng pinamili ko! umabot ng 400 plus!!! hala! ganun na ba talaga kamahal ang bilihin ngayon? tsk tsk...
syempre no choice ako kundi magbayad. lumabas na ako ng grocery para umuwi. napadaan ako sa bakeshop at nakita ko yung favorite namin ni onad na mainit na hopia. nagtakaw ako! parang gusto ko bumili! pero nanghinayang ako. naisip ko, gagastos na naman ako e ang mahal na nga ng pinambayad ko sa grocery. sabi ko na lang sa sarili ko, marami namang pagkain sa bahay. haay...
so lumabas na ako ng mall at pumunta na sa sakayan ng jeep. hanggang pagdating ko sa bahay naisip ko pa rin yung 400 pesos ko.
medyo nalungkot ako dahil ang konti lang naman ng nabili ko tapos ganun na kamahal. ang liit lang ng plastic na dala ko pero 400 plus na!

Wednesday, April 23, 2008
Na-miss ko mamili ng school supplies!
nagpunta ako sa mall kahapon after work...
direcho ako sa national bookstore para bilhin ang mga pinag-usapan namin ni eden.
unang target: mechanical pencil. punta agad ako sa estante sa gilid kung saan nandun yung mga ballpens and pencils. tinanong ko sa saleslady kung saan makikita ang mechanical pencils. ayun! nasa harap ko na pala! hahaha! una kong hinanap ang lapis na color violet. yun kase ang mahigpit na napag-usapan namin ni eden. syempre pinili ko yung mas cute pero mas mura. stabilo ang brand na nabili ko. naisip ko na ring bumili ng extra lead at syempre stabilo din ang hinanap ko.
second target: notebooks. mmm.. agad akong humanap ng notebook na may touch ng violet. marami namang maganda kaya lang hindi hardbound. e gusto sana namin yung hardbound. ikot ako sa iba pang stalls. ayun maganda! hardbound at color violet na medyo floral. kukunin ko na sana kaya lang pagtingin ko, tweety bird ang nasa cover page!!! hala, di ata yun magugustuhan ng friend namin.
hanap ako ng hanap ng cute na notebook. yung tipong handmade at recycled paper ang material. nagtanong ako sa saleslady kung meron sila nun. sa national bookstore kase sa malabon city square marami nun e. sabi sa second floor daw. so akyat naman ako. pagdating ko sa taas, huminto pa muna ako sanadali sa booksale. tapos hinanap ko na yung notebook. wala naman! ang meron lang dun e yung pang-scrapbook. made of recycled paper sana kaya lang plain na plain naman.
so bumaba ulit ako. punta ako sa iba pang estante. meron dun cute ang designs at maraming color na pagpipilian kaso hindi naman hardbound at spiral pa. tinext ko si eden sige, pwede na yun! so, get ko na yung notebook.
pumila na ako sa cashier. may nakita ako doong pencil eraser. cute sya. naisip ko tuloy bumili na rin ng eraser! syempre kailangan nun since may pencil. so nakiusap ako sa babae sa likod ko na bantayan yung slot ko sa pila at babalik din ako.
pinagtanong ko kung nasaan yung pencil erasers. madali ko namang nakita. maraming designs dun na kahit matanda e magugustuhan. naalala ko tuloy nung nag-aaral pa ako.
balik na ako sa pila sa cashier. eksakto namang turn ko na. 67 pesos lang ang binayaran ko. ang mura diba? ako pa e budgetarian ako! hahaha!
mission accomplished! kaya lumabas na ako ng national bookstore. ang masasabi ko lang...
na-miss ko mamili ng school supplies!

Tuesday, April 22, 2008
Yellow Forever!
What Your Favorite Color Yellow Says About You: |
Wise --- Aware --- Curious Intellectual --- Logical --- Decisive Introverted --- Focused --- Driven |
Subscribe to:
Posts (Atom)