continuation 'to ng sinulat ko kahapon...
after ko mag-enjoy sa pamimili ng school supplies sa national bookstore, direcho naman ako grocery para bumili ng mga kailangan namin sa bahay. basically, toiletries lang naman.
bumili ako ng shampoo na 12 sachets, conditioner na 12 sachets din, 150ml na feminine wash, 1 albatros na maliit, 20's na panty liner, saka small box ng anlene. ang daming tao at ang haba ng pila kaya naghanap pa ako ng medyo maigsi.
nung turn ko na sa counter, nagulat ako sa total price ng pinamili ko! umabot ng 400 plus!!! hala! ganun na ba talaga kamahal ang bilihin ngayon? tsk tsk...
syempre no choice ako kundi magbayad. lumabas na ako ng grocery para umuwi. napadaan ako sa bakeshop at nakita ko yung favorite namin ni onad na mainit na hopia. nagtakaw ako! parang gusto ko bumili! pero nanghinayang ako. naisip ko, gagastos na naman ako e ang mahal na nga ng pinambayad ko sa grocery. sabi ko na lang sa sarili ko, marami namang pagkain sa bahay. haay...
so lumabas na ako ng mall at pumunta na sa sakayan ng jeep. hanggang pagdating ko sa bahay naisip ko pa rin yung 400 pesos ko.
medyo nalungkot ako dahil ang konti lang naman ng nabili ko tapos ganun na kamahal. ang liit lang ng plastic na dala ko pero 400 plus na!
Thursday, April 24, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment