Wednesday, April 23, 2008

Na-miss ko mamili ng school supplies!

nagpunta ako sa mall kahapon after work...

direcho ako sa national bookstore para bilhin ang mga pinag-usapan namin ni eden.

unang target: mechanical pencil. punta agad ako sa estante sa gilid kung saan nandun yung mga ballpens and pencils. tinanong ko sa saleslady kung saan makikita ang mechanical pencils. ayun! nasa harap ko na pala! hahaha! una kong hinanap ang lapis na color violet. yun kase ang mahigpit na napag-usapan namin ni eden. syempre pinili ko yung mas cute pero mas mura. stabilo ang brand na nabili ko. naisip ko na ring bumili ng extra lead at syempre stabilo din ang hinanap ko.

second target: notebooks. mmm.. agad akong humanap ng notebook na may touch ng violet. marami namang maganda kaya lang hindi hardbound. e gusto sana namin yung hardbound. ikot ako sa iba pang stalls. ayun maganda! hardbound at color violet na medyo floral. kukunin ko na sana kaya lang pagtingin ko, tweety bird ang nasa cover page!!! hala, di ata yun magugustuhan ng friend namin.

hanap ako ng hanap ng cute na notebook. yung tipong handmade at recycled paper ang material. nagtanong ako sa saleslady kung meron sila nun. sa national bookstore kase sa malabon city square marami nun e. sabi sa second floor daw. so akyat naman ako. pagdating ko sa taas, huminto pa muna ako sanadali sa booksale. tapos hinanap ko na yung notebook. wala naman! ang meron lang dun e yung pang-scrapbook. made of recycled paper sana kaya lang plain na plain naman.

so bumaba ulit ako. punta ako sa iba pang estante. meron dun cute ang designs at maraming color na pagpipilian kaso hindi naman hardbound at spiral pa. tinext ko si eden sige, pwede na yun! so, get ko na yung notebook.

pumila na ako sa cashier. may nakita ako doong pencil eraser. cute sya. naisip ko tuloy bumili na rin ng eraser! syempre kailangan nun since may pencil. so nakiusap ako sa babae sa likod ko na bantayan yung slot ko sa pila at babalik din ako.

pinagtanong ko kung nasaan yung pencil erasers. madali ko namang nakita. maraming designs dun na kahit matanda e magugustuhan. naalala ko tuloy nung nag-aaral pa ako.

balik na ako sa pila sa cashier. eksakto namang turn ko na. 67 pesos lang ang binayaran ko. ang mura diba? ako pa e budgetarian ako! hahaha!

mission accomplished! kaya lumabas na ako ng national bookstore. ang masasabi ko lang...

na-miss ko mamili ng school supplies!

No comments: