Saturday, March 22, 2008

Surprise! Surprise! Surprise!

bakit ba ngayon ko lang nai-share to?

ang sarap talaga mabuhay pag alam mong may mga kaibigan at pamilya kang nagmamahal sa iyo..

last march 2, sinurprise ako ng isang napaka-sweet na shower party! hay naku pakulo lahat ito ni ate bong na iyak nang iyak bago ako kinasal. hehe.. after namin magsimba ni onad, pinauwi na ako agad nina mommy. aba kaya pala biglang pinagmadali akong umuwi! pero syempre dedma ako kase malay ko bang may surprise sila sa akin no!

when i got home, nagulat pa ako kase nandun ang 'tatatlo' kong friends na sina dei, bern and grace. akala ko pa friends ni ate bong! hehehe.. pagpasok ko sa loob, aba nandun ang naninilaw kong mga pinsan at mga tita! iisa-isahin ko sila para may list ako ng mga pumunta sa party. hehehe.

nandun sina tita mareng, ate cel, ate maf, kuya kano, at ang twin cousin ko na si nhela. nandun din sina tita linda, ate virgie, ate melda, ate neddie at ate ciela. and of course, hindi nawala sina tita ninang adang, ate mae, ate tzi at ang bestfriend cousin ko na si ate len. at ang pinaka-importante sa lahat, nandun ang mahal kong pamilya. sina daddy, mommy, ate bong, ros na humabol, pj at carme.

nagulat ako sa qualities na sinabi nila tungkol sa akin. nangibabaw ang pagiging jolly at kikay ko! next dun ang pagiging kuripot! hay naku, masama bang mag-ipon? hmmp! pero totoo yun. may pagka-kuripot nga ako pero pag may pera naman ako, binibilan ko sila ng kahit ano. si grace, sabi niya, ayoko daw nang pinapakialaman ang gamit ko. korek sya dun 'day! ewan ko pero maselan talaga ako pagdating sa personal things. sabi nga ni ate virgie, kailangan nakahiwalay ang mga damit ko at hanger pag naglalaba siya. hahaha!!!

haay... muntik na akong maiyak kase naisip ko bigla na hindi na ako titira sa amin though pwede naman akong pumunta dun anytime. pero darating naman talaga ang ganitong stage ng buhay ko. medyo napaaga lang kaya siguro hindi pa emotionally ready ang family ko.

but i'm happy. i'm so excited sa bagong buhay na haharapin ko...

No comments: