Saturday, March 22, 2008

Thanks Tita Tess..

nagulat ako sa text sa akin ni dre last march 20.

our friend jouie's mom, tita tess died daw sa isang car accident with jouie's husband. hindi pa sure si dre nun 'coz sobrang puyat daw sya. but joyce texted me that night and confirmed the death of tita tess.

i was really saddened by the news. close kase ako kay tita tess dahil siya ang eye doctor ko and sa kanya ako nagpapagawa ng contact lens and eyeglasses. naisip ko bigla, kaya siguro hindi siya sumasagot sa text ko mga 2 weeks ago dahil sa nangyari. akala ko nun nagpalit lang siya ng number.

kanina, nabasa ko yung mail ni jouie na nabasa ni dre. yun nga, namatay na raw ang mom ang hubby nya. how sad...

sana magkita-kami nina jouie. we're not sure kung nailibing na ang mom nya pero kahit makadalaw man lang sana to comfort her. ang hirap ng pinagdadaanan ng family niya ngayon.

i'll miss you tita tess... wala na akong tita tess na mapuputahan pag magpapatingin ako ng eye ko. anyway, alam ko kasama mo na si Lord ngayon. thank you for being so nice to me. sana lang nagkita muna tayo bago ka pumanaw...

No comments: