Tuesday, February 26, 2008

Ano nga ba???

ano ba ang isusulat ko?

wala akong maisip. ang alam ko lang, naiinip ako. pano naman wala akong ginagawa dito sa office. 8pm na pero wala pa ang sundo ko (angel where are you? huhuhu..). gutom na din ako dahil kaninang meryenda pa 'yung huling kain ko.

gusto ko na umuwi. gusto ko maabutan ang marimar! waaaah!

naisipan kong tawagan si dei. kaya lang pasaway naman ako 'pag ginawa ko 'yun. ayokong masira ang baguio trippings niya with bern, grace and rez. aba, ang sarap kaya sa baguio! sayang lang at hindi ako nakasama. well, i know they understand me very well. di ba guys? =p

pero nami-miss ko na ang mga ka-berks ko. umiikot na lang ang buhay ko sa office. after work, derecho na sa bahay. syempre kailangan ko mag-rest para kay baduday. pero ok lang. ang importante, maging healthy sya at hindi stressed.

ang hirap pala magpatay ng oras. sanay ako na laging on the go. para akong hindi mapakali 'pag ganitong wala akong ginagawa.

mas mabuti pang matulog na lang...

haay...

1 comment:

WRITER DAW said...

nasabi mo na ba kila jlu ang sitwasyon mo?